Nasagip ang tatlong diver na Korean national nang mamataang palutang-lutang at humihingi ng saklolo sa karagatan sa pagitan ng Batangas at Mindoro
Ayon sa report, 5:00 ng hapon noong Agosto 11, patungong Calapan City mula Batangas Port ang FastCat nang mamataan ng mga crew ang tatlo na magkakakapit sa gitna ng dagat.
Agad nagmaniobra ang barko para lapitan ang mga diver at ibinaba ng crew ang kanilang lifeboat upang maisagawa ang pagsagip.
Napag-alamang mga diver ang tatlo na nagsasagawa ng aktibidad sa Sabang, Puerto Galera, nguni’t napalayo umano at nawala ang kanilang service boat.
Maging ang dalawang dumaraang RORO ng Montenegro Shipping Lines ay huminto at naghanda ring tumulong sa rescue operation sakaling kailanganin.
Matagumpay na nailigtas ang tatlong Korean divers, habang pinuri naman ng mga nakasaksi ang mga kapitan at crew ng mga barko sa agarang pagtugon kahit naantala ang kanilang biyahe.
Trending
- Sotto ‘di kasama sa Asian Games sa Japan
- Jordan Clarkson proud pa rin kay Alex: “Queen Eala forever!”
- Dominican Republic wagi bilang Miss World 2026
- Lotlot de Leon ipinagpapasa-Diyos ang sigalot nila ni Ian
- Misis ni Baron Geisler may cryptic post
- SINUNTOK,MISIS DEDO KAY MISTER
- DAYA SA CASINO: 6 “GUILTY”
- TRUMP:$5,000 SA SENIORS
