Nagdulot ng brownout ang nangyaring landslide sa Lobo, Batangas matapos matumba ang dalawang poste ng kuryente sa Barangay San Miguel.
Ayon sa LGU, nagkaroon ng pagguho ng lupa sa bahagi ng National Road dahil sa patuloy at walang humpay na pag-ulan, dahilan para maapektuhan ang suplay ng kuryente sa malaking bahagi ng bayan.
Isinagawa ang emergency power interruption 6:53 ng umaga nitong Martes, para sa relocation ng dalawang poste na naapektuhan ng landslide.
Apektado ang buong Municipality of Lobo maliban sa mga Barangay Calumpit, Bignay, Pinaghawanan, Nagtoctoc, Jaybanga, Apar, San Nicolas, Balibago at Biga.
Samantala, agad na nagsagawa ng clearing operations sa lugar ang MDRRMO Team, katuwang ang Coast Guard Lobo Sub-Station, GSO, heavy equipment operator at mga opisyal ng barangay, habang naglagay rin ng mga babala para sa mga motorista.
Nagkaroon din ng landslide sa Barangay Sabang sa Ibaan, Batangas na agad namang nilinis ng mga tauhan ng lokal na pamahalaan.
Kaya pinaalalahanan ang mga motorista na mag-ingat sa pagbiyahe lalo na sa mga lugar na patuloy na binabaha at nakararanas ng pagguho ng lupa.
Trending
- Sotto ‘di kasama sa Asian Games sa Japan
- Jordan Clarkson proud pa rin kay Alex: “Queen Eala forever!”
- Dominican Republic wagi bilang Miss World 2026
- Lotlot de Leon ipinagpapasa-Diyos ang sigalot nila ni Ian
- Misis ni Baron Geisler may cryptic post
- SINUNTOK,MISIS DEDO KAY MISTER
- DAYA SA CASINO: 6 “GUILTY”
- TRUMP:$5,000 SA SENIORS
