Patay ang isang tricycle driver at isa sa kanyang mga pasahero habang lima pa ang sugatan sanhi ng aksidente sa Barangay New Rizal sa bayan ng Mlang sa Cotabato, Sabado ng gabi.
Sa ulat nitong Linggo ng mga imbestigador ng Mlang Municipal Police Station at mga local officials, nasawi sa naturang aksidente and tricycle driver na si Jovito Autillo, Sr. at ang kanyang pasaherong si Yolanda Cordero.
Nagtamo naman ng maselang mga sugat at pasa sa katawan sanhi ng aksidente ang lima pang sakay ng traysikel na sina Cecil Autillo, Felinor Sigura at tatlong menor-de-edad na kinilala lamang ng mga local officials at mga police investigators na sina Joy, Clint at Mary.
Kasalukuyan silang ginagamot sa Mlang Medical Specialist Center sa Mlang, isa sa 17 na mga bayan na sakop ng Cotabato province.
Ayon kay Lt. Col. Realan Mamon, municipal police chief, sakay ang mga biktima ng tricycle na nasalpok ng isang 10-wheeler cargo truck na nagmumula sa kabilang direksyon ng highway sa Purok Acacia sa Barangay New Rizal.
Ang drayber ng malaking trak na bumangga sa traysikel na si Edmund Norberte, residente ng Barangay San Emmanuel sa Tacurong City, ay kusang loob na sumuko sa mga pulis at mga barangay officials na nagresponde sa insidente.
Sa report, galing ng Tacurong City sa  probinsya ng Sultan Kudarat ang truck na minamaneho in Norberto, patungo sana ng Davao City ng maganap ang aksidente.
Ayon kay Mamon at sa mga municipal officials, patungo sa Davao City ang trak na minamaneho ni Norberte nang mabangga nito ang tricycle na minamaneho ni Autillo sa madilim na bahagi ng highway sa Purok Acacia sa Barangay New Rizal.
====

Share.
Exit mobile version