Nasawi sa leptospirosis ang 17-anyos na estudyante sa Navotas City nang maligo sa baha, ilang araw bago sana ang kanyang kaarawan.
Base sa ulat, nakagat umano ang biktima ng daga at makalipas ang dalawang linggo naligo sa baha kasama ang kanyang mga kaibigan.
Ayon sa kanyang ina, nanghina ang biktima isang araw matapos lumusong sa baha kaya dinala siya ng pamilya sa Navotas City Hospital.
“Yung doktor po na kausap namin, tingin pa lang po, alam na nila na leptos po,” anang nanay ng biktima sa isang ulat. Dalawang araw lang bumigay na siya,” aniya.
Hindi pa malinaw sa ulat kung sa kagat ng daga o exposure sa kontaminadong baha nakuha ng biktima ang impeksyon.

Share.
Exit mobile version