Nasabat ng mga awtoridad ang isang malawakang ilegal na operasyon ng pagmimina sa bayan ng Cantilan, Surigao del Sur sa isinagawang magkasanib na operasyon noong Abril 9 hanggang 10, 2026.
Sa ulat, pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Caraga katuwang ang Philippine National Police (PNP) ang pagsalakay, kung saan sampung indibidwal ang inaresto.
Kabilang sa mga nadakip mga Pilipino at ilang dayuhan na sangkot sa nasabing iligal na gawain.
Nakumpiska rin sa lugar ang mabibigat na kagamitan at tone-toneladang mineral ore na tinatayang nagkakahalaga ng higit P50.5 milyon.
Ayon sa mga awtoridad, bahagi ang operasyon ng pinaigting na kampanya laban sa ilegal na pagmimina na nagdudulot ng matinding pinsala sa kalikasan at likas na yaman ng bansa.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa mga umiiral na batas pangkalikasan.
Trending
- Pacquiao sa rematch kay Mayweather: ‘The fight is on’
- UST men wins UP para manatili sa pag-asam ng twice-to-beat bonus
- BINI, Sophia Laforteza pinuri ng DOT sa pagtatanghal sa Coachella
- Piolo Pascual na-trauma nang hipuan ng faney
- Bimby, may natitipuhang bebot
- House impeachment hearings tatapusin sa Abril 29
- Comelec: Preparasyon para sa BSKE, tuloy pa rin
- PBBM tiniyak: Zaldy Co nasa kustodiya ng Czech Republic
