Talk of the town ng mga tsismosang kapitbahay ang kumalat na TikTok video nina Xyriel Manabat at ng bokalista ng Ppop group na Alamat na si Tomas Rodriguez.
Sa nasabing clip kasi na ibinahagi ng isang travel vlogger, spotted ang dalawa na magkasama habang tumatawid ng isang hanging bridge.
Halatang enjoy din sila sa company ng bawat isa.
Katunayan, they took turns in taking photos of each other.
Umani naman ang naturang sighting ng samu’t-saring reaksyon nang mapag-usapan sa umpukan ng mga tsismosang kapitbahay.
Ito ang ilan sa kanilang hirit.
“Nangangamoy romansa.”
“Hiwalay na ba si Xyriel sa dyowa niya?”
“Parang wala nang balita sa kanila.”
“Baka naman sila pa rin, private at low key lang.”
“Feeling ko, may something na sila.”
“Baka naman, travel buddy lang niya si Tomas.”
“In fairness, bagay sila.”
“Bakit, parang kinilig ako?”
Tulad ni Xyriel, si Tomas ng grupong Alamat ay produkto ng bahay ni Kuya.
Naging 3rd placer siya noon sa Pinoy Big Brother: 737 bago pa man siya naging singer at aktor na lumabas sa ilang pelikula at TV projects.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

