Dulot ng tone-tonedalang basura na inanod ng huling pananalasa ng habagat sa Metro Manila at karatig-bayan, muling isinulong ni Senate President Sherwin “Win” Gatchalian ang pagtatayo ng waste-to-energy facility sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Sa pahayag, iginiit ni Gatchalian ang agarang pagsasabatas ng panukalang waste-to-energy (WTE) matapos ideklara ng Pangulo na ang mga isinusulong na WTE facility ang “tanging solusyon” sa problema ng maling pamamahala ng basura sa bansa.
Ayon kay Gatchalian, may-akda ng Senate Bill No. 365 o Waste-to-Energy Act, binibigyang-diin ng pahayag ng Pangulo ang pangangailangan para sa pangmatagalang solusyon sa lumalalang problema sa basura, lalo na’t nakita ang pagdami ng tambak na basura kasunod ng mga pag-ulan dulot ng habagat.
“Sa WTE, maiiwasan nating mapunta ang mga basura sa mga kanal na nagiging sanhi ng pagbaha. Sa halip na bumara sa mga daluyan ng tubig, maaari itong i-convert sa enerhiya sa mga power plant upang makapagbigay ng karagdagang suplay ng kuryente,” ani Gatchalian.
Tinatayang umaabot sa 22.9 milyong metriko tonelada ng basura ang naiipon ng Pilipinas kada taon. Batay sa average annual growth rate na 1.72% mula 2020 hanggang 2024, inaasahang aabot sa 29.60 milyong metriko tonelada ang basurang maiipon pagsapit ng 2040.
Layon ng panukala ni Gatchalian na magtatag ng ‘comprehensive framework’ para sa industriya ng WTE at isama ang mga estratehiya nito sa mga pambansa, panlalawigan, at lokal na plano sa pamamahala ng solid waste.
Binigyang-diin din ng senador ang mga environmental safeguard na nakapaloob sa panukala, na kanyang tinalakay sa dalawang privilege speech.
Trending
- Sotto ‘di kasama sa Asian Games sa Japan
- Jordan Clarkson proud pa rin kay Alex: “Queen Eala forever!”
- Dominican Republic wagi bilang Miss World 2026
- Lotlot de Leon ipinagpapasa-Diyos ang sigalot nila ni Ian
- Misis ni Baron Geisler may cryptic post
- SINUNTOK,MISIS DEDO KAY MISTER
- DAYA SA CASINO: 6 “GUILTY”
- TRUMP:$5,000 SA SENIORS

