Naaresto ng mga awtoridad ang isang most wanted person na nakatala sa regional level sa isinagawang manhunt operation sa Brgy. Tuktukan, Guiguinto, Bulacan kamakalawa.
Ayon sa ulat ni PLTColonel Francis B Magadia, hepe ng Guiguinto MPS, matagumpay na naaresto ang wanted person na kinilalang si alias Jan, 38 taong gulangat residente ng San Juan St., Brgy. Tuktukan, Guiguinto, Bulacan, bandang alas-10:37 ng gabi.
Ang pagkakaaresto ay isinagawa ng Tracker Team ng Guiguinto MPS, bilang led unit, katuwang ang San Pablo CPS, sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng Presiding Judge ng Family Court Branch 7, San Pablo City, Laguna, noong Hulyo 24, 2026.
Ang nasabing warrant ay may kaugnayan sa kasong apat na bilang ng Qualified Rape sa ilalim ng Criminal Case Nos. 37611 to 37614-SP(26), na may rekomendasyong walang piyansa (no bail recommended).
Ipinaalam sa naarestong indibidwal ang kanyang mga karapatang konstitusyonal sa wikang kanyang nauunawaan at siya ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Guiguinto MPS para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon, alinsunod sa umiiral na mga proseso at batas.
Sa ilalim ng pamumuno ni PColonel Jay B Baybayan, acting provincial director ng Bulacan Police Provincial Office, patuloy na pinaiigting ng Bulacan PPO ang manhunt operations at pagpapatupad ng mga warrant of arrest laban sa mga wanted person bilang bahagi ng mas pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad at upang matiyak na ang mga lumalabag sa batas ay mapanagot at mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng mga mamamayan sa buong lalawigan ng Bulacan.(Danilo Gravador)
Share.