Ibinasura na ng Law Department ng Commission on Elections (Comelec) ang kaso laban kina Pangulong Ferdinand ‘Bongbong ” Marcos Jr at Vice President Sara Duterte ang reklamong election offense na may kaugnayan sa campaign donations noong May 2022 midterm elections.
Sinabi ni Garcia na ito ay dahil sa ‘principle of immunity from suit’ o immunity ng dalawang pinakamataas na lider ng bansa habang sila ay nasa pwesto.
“Kapag kinasuhan mo sila ngayon , maba-violate natin yung immunity from suit”, paliwanag ni Garcia
Sa kabila niyan, iginiit ng poll chief na hindi nangangahulugan na tuluyan nang ligtas ang pangulo at pangalawang pangulo sa mga posibleng imbestigasyon dahil pagkatapos ng kanilang termino ay maari pa rin silang kasuhan.
Sa ngayon, wala aniyang anumang kaso o criminal case laban sa bise presidente at presidente.
Maalala na ilang mga grupo sa pangunguna ng poll watchdog na Kontra Daya para sa isang preliminary investigation laban kina Marcos at Duterte dahil umano sa paglabag sa Omnibus Election Code .
Ito ay matapos ang umanoy pagtanggap nila ng donasyon mula sa mga kontratista ng gobyerno.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA
