Si Francois Marie Magpily ang mangunguna sa DLSU Green Archers Women’s Chess Team, si Francis Apollo Magpily ang mamumuno sa UP Maroon Men’s Chess Team, si Francine Elaine Magpily ang magiging pangunahing manlalaro ng Ateneo Blue Eagles Women’s Chess Team, habang si Franiel Angela Magpily naman ay bahagi ng FEU Tamaraw Women’s Chess Team.
Ang magkakapatid na Magpily ay naglalaro sa ilalim ng masusing pagsubaybay ng Chess Coach na kabilang ama na si Francis Burt Magpily at ng kanilang Tita na si WIM Bernadette Galas, isang dating DLSU Rookie of the Year, 2-time MVP at 3-time Champion.
Samantala, inihayag ng University Athletic Association of the Philippines ang pagpapaliban ng mga laro sa chess tournament na nakatakda sana sa Sabado, Setyembre 27, dahil sa inaasahang masamang panahon na dulot ng Severe Tropical Storm “Opong”.
Ang mga laro sa Linggo, Setyembre 28, ay magpapatuloy ayon sa iskedyul na gaganapin sa Adamson University, San Marcelino Street, Manila. (Marlon Bernardino)

Share.