Ipinagpatuloy ni World Games 2025 qualifiers Merry Joy Trupa at Franklin Ferdie Yee ang pagwawagi matapos na iuwi ang mga titulo ng Sprint Women and Men Elite sa 2025 National Age Group Duathlon sa Ayala-Vermosa Sports Hub sa Imus, Cavite noong Linggo.
Ipinagmamalaki ng Tarlac City, nagtala si Trupa ng 1:05:41 (run 1: 18:56, bike 33:55, run 2 11:13) para manalo ng gold, habang sumunod sina Katrina Salazar (1:05:56) at Rachel Longstaff (1:06:57) para sa silver at bronze, ayon sa pagkakasunod
Naungusan ng Cebuano duathlete na si Yee ang 13 iba pa sa men elite sa pamamagitan ng 57:13 clocking, kabuntot sina Irienold Reig Jr. (57:16) at Patrick Ciron (57:26).
Tinanghal naman na kampeon sina Joshua Ramos at Erika Burgos matapos manguna sa men at women elite standard races.
Bumida si Ramos sa 9-man field sa pamamagitan ng 31:19 time, sinundan ni Iñaki Lorbes (31:28), habang pumangatlo si Irienold Reig Jr. (32:12).
Inangkin ni Erika Burgos ang women elite crown sa 34:17. Nakuha ni Wan Ting Lim ang pilak (35:01), habang si Lady Samantha Jhunace Corpuz ang nag-bronze (35:50).
Inorganisa ang kompetisyon ng Triathlon Philippines (dating Triathlon Association of the Philippines) na muling pinamumunuan ni Tomas ‘Tom’ Carrasco Jr. at sinuportahan ng Philippine Sports Commission.