Patay na nang matagpuan ang magkapatid na drayber at pahinante na iniulat na nawawala nang tumagilid at mahulog ang kanilang truck sa binahang palayan sa Balucuc Bypass Road sa Apalit, Pampanga nitong Biyernes ng hapon, Setyembre 4.
Ayon sa ulat, patungong San Simon ang magkapatid nang mawalan ng balanse ang truck at mahulog sa binahang palayan.
Rumesponde ang mga tauhan ng local disaster response team para hanapin ang dalawang biktima.
Matapos ang operasyon ay matagumpay na naiahon mula sa binahang lugar ang mga katawan ng magkapatid.
Isinasagawa naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa sanhi ng pagkatagilid at pagkahulog ng truck.
=====
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA
