Pinaulanan ng bala ang isang traffic enforcer habang nasa kasagsagan ng ulan sa Town & Country, Brgy Burol. Main, Dasmariñas City, Cavite
Sa report, 5:00 ng hapon nitong Sabado, Agosto 8, 2026 naganap ang insidente.
Kasalukuyang nakatayo ang biktima sa nasabing lugar ng bigla umanong sumulpot ang isang hindi pa nakikilalang lalaki at agad siyang pinaputukan.
Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang suspek sa direksiyon patungong H2 habang naiwan sa lugar ang biktima.
Base sa nakasaksi sa nasabing insidente, isang lalaking nasa katamtaman ang taas at may malaking bahagi ng mukha na nakatakip.
Kaagad namang nagsagawa ng follow up operation ang pulisya habang patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan sa suspek.
Hindi pa malinaw sa ngayon kung ano ang motibo ng suspek sa biktima at kung may kinalaman sa trabaho ang nasa likod ng pamamaril.
Samantala, patuloy na nirereview ang mga CCTV footage sa paligid ng nasabing lugar at kalapit na mga establisimyento para sa karagdagang impormasyon na makakatulong sa kaso kaugnay sa nasabing insidente.
Hanggang sa kasalukuyan ay hinihintay pa ang opisyal na pahayag hinggil sa pagkakakilanlan ng biktima, kalagayan nito.
======
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

