‎Narekober na ang kulay gray na Toyota Avanza na nahulog sa Agana Bridge noong gabi ng Agosto 29, 2026, sa isinagawang retrieval operation kamakalawa sa Sitio Paninaan, Carangian, Tarlac City.

‎Ayon sa mga awtoridad, wala nang laman ang sasakyan nang ito ay maiahon kung saan nakasakay dito ang limang pasahero nang bumagsak ang bahagi ng tulay.

‎Sa ngayon, dalawa pa rin ang pinaghahanap ng mga rescuer at ito ay sina Paul Harvey Collado at Sheila Mae Taborlupa na hindi natagpuan sa loob ng narekober na SUV.

‎Samantala, nauna nang narekober ang mga bangkay nina James Patrick Taborlupa na natagpuan sa Barangay Carael, Lingayen, Pangasinan; at Shanen Tuhao na natagpuan naman sa Barangay San Vicente, Bayambang, Pangasinan

‎Nahulog ang sasakyan matapos gumuho ang bahagi ng Agana Bridge sa Tarlac City dahil sa malakas na agos ng ilog dulot ng matinding pag-ulan dala ng Habagat.

‎Nagsanib-puwersa sa retrieval operation ang mga tauhan ng Tarlac PDRRMO, CDRRMO, Tarlac PNP, at PEPO habang patuloy ang search and rescue operations para sa dalawa pang nawawalang sakay ng sasakyan.(Danilo Gravador)

Share.
Exit mobile version