Kinumpirma ng Department of Energy (DOE) na umabot sa 64 araw ang tinatayang suplay ng langis ng bansa matapos makakuha ng mga panibagong order.
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, nasa 50.31 araw ang kasalukuyang average na suplay ng langis, ngunit may karagdagang 14 araw na suplay na naka-order na at inaasahang darating pa sa bansa.
Batay sa tala ng DOE, ang suplay ng bawat produktong petrolyo ay ang mga sumusunod:
Gasolina – 54.38 araw
Diesel – 48.9 araw
LPG – 36.27 araw
Kerosene – 104.73 araw
Jet fuel – 67.65 araw
Fuel oil – 45.96 araw
Paliwanag ni Garin, hindi kayang mag-imbak ng bansa ng suplay na tatagal ng 90 hanggang 120 araw dahil sa limitadong kapasidad ng storage, kaya’t tuloy-tuloy ang pagdating ng bagong suplay habang ginagamit ang kasalukuyang imbentaryo.
Dagdag pa niya, nakadepende sa bawat bansa at uri ng kontrata ang katiyakan ng delivery ng langis.
May mga bansa kasing tumutupad sa long-term contracts, habang may iba na may limitasyon lalo na kung government-owned ang supplier.
Una nang tiniyak ng pamahalaan na sapat ang suplay ng langis sa kabila ng tensyon sa Middle East.

Share.
Exit mobile version