Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Super Typhoon Inday nitong Miyerkoles, Hulyo 8.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo na may international name na ‘Bavi’ na may layong 405 kilometrong silangan ng Northern Luzon.
Taglay nito ang 185 kph na lakas ng hangin at pagbugsong umaabot sa 230 kph, habang kumikilos pakanluran sa bilis na 25 kph
Samantala, itinaas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Batanes, Cagayan (kasama ang Babuyan Islands), ilang bahagi ng Isabela, Apayao, silangang Kalinga, hilagang Aurora, at hilaga at gitnang Catanduanes.
Posible naman umanong humina si Inday bilang isang typhoon simula Huwebes at inaasahang lalabas ng PAR sa Sabado, ayon pa sa PAGASA.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA
