Inaresto ang 18-anyos na college student nang mahulihan ng 10 gramo ng marijuana na nakalagay sa dalang tumbler habang papasok sa gate ng kanilang eskuwelahan sa Bacolod City, Negros Occidental.
Sa report ng Bacolod City Police, habang isa-isang iniinspeksiyon ng mga security guard ang dala ng mga estudyante nang mapansin nila ang kakaibang ikinikilos ng nasabing suspect. Ang nasabing estudyante ay isa umanong transferee sa eskuwelahan.
Dito’y nakumpiskahan ng marijuana ang suspect sa bulsa ng uniporme nito at nang bulatlatin ang dalang tumbler ay nadiskubre ang marami pang marijuana na nakatago rito.
Sa presinto, sinabi ng estudyante na hindi umano siya durugista at ginagamit lamang niya ang marijuana para pampa-relax, matanggal ang kaniyang stress at makatulog kung saan ay hindi umano niya sinasadyang madala ito sa eskuwelahan.
======
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

