Inanunsyo na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagtanggap ng aplikasyon para sa Special Permit ng mga Public Utility Bus para sa nalalapit na Undas ngayong taon.
Magsisimula ang pagtanggap ng aplikasyon mula September 21 hanggang October 2, 2026, kung saan magiging epektibo ang mga permit mula October 28 hanggang November 6.
Paalala ng LTFRB, limampung porsyento lamang ng kabuuang awtorisadong unit ng bawat operator ang maaaring ihain, at dapat ay hindi lalampas sa labing-apat na taon ang edad ng sasakyan.
Kabilang sa mga kinakailangang dokumento ang O-R/C-R mula sa Land Transportation Office (LTO), valid Personal Passenger Accident Insurance, at kaparehong address ng terminal sa magkabilang dulo ng ruta.
Inilaan ang Special Permit para sa mga panahon ng high demand gaya ng Undas upang madagdagan ang mga biyahe at makabiyahe ang mga tsuper sa labas ng kanilang regular na ruta.
Pinapayuhan ng ahensya ang mga bus operator na kompletuhin agad ang mga requirement upang matiyak ang sapat at ligtas na biyahe para sa mga pasahero.
=====
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

