Iminungkahi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla na ganap na buwagin ang Sanggunian Kabataan (SK) dahil sa mga alegasyon ng korapsyon at iregularidad sa ilang opisyal nito.
Ayon kay Remulla, matagal na niyang isinusulong ang pag-abolish ng SK, at lalo pa itong tumibay matapos masangkot ang dalawang SK chairpersons sa Makati City sa umano’y katiwalian.
Kabilang sa mga alegasyon ang isang SK chairman na umano’y humingi ng 20% kickback mula sa catering service para sa Halloween party noong 2025, at isa pang SK official na umano’y namemeke ng pirma ng SK councilor para sa isang resolusyon sa proyekto.
Ipinunto ni Remulla na nakababahala na kahit mula sa mayayamang barangay ay may ganitong insidente ng korapsyon.
Ayon sa kanya, kung magkakaroon ng pagbabago sa Konstitusyon, dapat nang tuluyang buwagin ang SK dahil tila nagiging bahagi na ng kultura ang katiwalian sa murang edad sa kasalukuyang sistema.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

