Nasawi ang 31-anyos na babae nang suntukin sa ulo ng ka-live-in sa kanilang bahay sa Barangay 3, San Carlos City, Negros Occidental noong Lunes.
Ayon kay San Carlos City police chief Lt. Col. Nazer Canja, nagkaroon ng pagtatalo ang magkapareha matapos dumalo sa birthday party ng kanilang kamag-anak.
Pagdating nila sa bahay, nagpatuloy umano ang kanilang pagtatalo. Sa gitna ng komprontasyon, sinuntok umano ng 33-anyos na suspek sa ulo ang biktima, dahilan upang matumba ito.
Isinugod ang babae sa ospital nguni’t idineklarang patay.
Iniulat ng ina ng biktima sa pulisya ang insidente.
Kusang sumuko sa mga awtoridad ang suspek. Sinampahan ang salarin ng kasong homicide kaugnay ng violence against women.

 

Share.
Exit mobile version