Naranasan ang matinding pagbaha sa Barangay Paco, Botolan, Zambales nitong Biyernes, Agosto 28 dahil sa tuloy-tuloy at malakas na pagbuhos ng ulan.
Sa ibinahaging update ng CDCC-Botolan Chapter (Zambales Archdiocese), umabot na maging sa loob ng simbahan ang mabilis na pagtaas ng tubig-baha dahil sa pag-ulan ng habagat na pinalakas ng low pressure area.
Sa mga larawang inilabas ng grupo, makikita ang pagpasok ng baha sa gate at mismong loob ng kapilya kung saan nakalubog na sa tubig ang mga upuan at iba pang pasilidad.
Mapapanood din ang ilang residente at mamamayan sa lugar habang sinusubukang maglakad at mag-ayos sa gitna ng hanggang hita na baha.
Sa kabila ng nararanasang pagsubok sa kalikasan, nanawagan ang CDCC-Botolan Chapter sa pamayanan na panatilihing matatag ang pananampalataya at patuloy na manalangin kay Apo Lakay para sa kaligtasan at proteksiyon ng bawat isa.
Trending
- Sotto ‘di kasama sa Asian Games sa Japan
- Jordan Clarkson proud pa rin kay Alex: “Queen Eala forever!”
- Dominican Republic wagi bilang Miss World 2026
- Lotlot de Leon ipinagpapasa-Diyos ang sigalot nila ni Ian
- Misis ni Baron Geisler may cryptic post
- SINUNTOK,MISIS DEDO KAY MISTER
- DAYA SA CASINO: 6 “GUILTY”
- TRUMP:$5,000 SA SENIORS

