Bongga ang Sex Bomb Dancers dahil after their highly successful reunion concert, pelikula naman ang kasunod.
Ito ang inanunsyo ni Rochelle Pangilinan in her recent guesting on Fast Talk with Boy Abunda.
Ani Mrs. Solinap: “Ang next po, marami po. Hangga’t kakayanin.”
These include a movie, a documentary film, even recordings.
Mukhang Sex Bomb Dancers is here to stay.
Pero siyempre, dahil they’re not getting any younger kung kaya’t alalay lang.
May kanya-kanya na din silang pamilya–a scenario na malayung-malayo during the peak of their career.
Bukod dito’y may mga pagbabago na din sa grupo, kung paanong meron ding unchanged.
As far as change is concerned, the group has matured a lot.
Ang ‘di nagbago, makukulit pa din ang iba sa kanila like they used to be.
May mga isip-bata din.
Meron pa din daw mga disagreements pero iba na ngayon–wala nang batuhan ng silya pag nagagalit siya.
Ang laki daw ng iminellow ng most of the members–unlike noon na mapusok.
=====
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

