Pinaghahanap na ng pulisya ang isang lalaki na tumangay ng service firearm ng isang security guard sa loob ng isang saradong establisyemento sa Tondo, Maynila, nang makuhanan ng CCTV noong madaling araw ng Miyerkules, Agosto 5, 2026.
Sa kuha ng surveillance camera, makikitang nakapasok ang suspek sa loob ng gusali nang makalusot sa harang.
Ilang sandali pa, namataan siyang nagmamasid sa paligid bago mabilis na dumampot ng isang bagay at tumakbo palabas ng lugar.
Agad namang nagtangkang habulin ng biktimang guwardiya ang suspek, ngunit itinigil din ang paghabol dahil sa pangambang magamit laban sa kaniya ang baril na natangay.
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, lumitaw na ang nakuha ng suspek ay service firearm ng guwardiya na hindi umano nakalagay sa holster at nakasukbit lamang sa kaniyang bewang nang mangyari ang insidente.

Share.
Exit mobile version