Ang ganda-ganda, ang seksi-seksi ni Ruffa Gutierrez ngayon. Obyus na nagbawas siya ng timbang, at obyus na mas nagmukha siyang bata ngayon.
“Marami kasi akong pinaghahandaan ngayon. And I’m very-very happy, kasi kaka-graduate lang ni Lorin, and I’m very proud na at least, one down, and another one to go,” sagot ni Ruffa.
Pero, bakit nga ang ganda, ang seksi niya ngayon?
“Talaga ba? Ganun ba ako kataba dati? Grabe naman kayo. Hahaha!” sabi ni Ruffa.
Pero `yun nga, gumanda, bumata siya ngayon.
“Ay, talaga, bumata ba ako? Wow!” sey ni Ruffa.
Kaya sabi nga, mukhang in love na naman si Ruffa, ha!
“Wala akong lovelife! Wala talaga! Pahinga muna tayo riyan!” sey niya.
Pero, mukha talaga siyang in love, ha!
“I’m in love with my two kids! Hahahaha!” humahalakhak na sagot ni Ruffa.
Ilang buwan na ba siyang single?
“Ay naku, I don’t like personal questions. Hahahaha!” tumatawang chika na naman ni Ruffa.
Anyway, bago nga matapos ang 2026 ay sangkatutak na trabaho nga ang gagawin ni Ruffa. Bukod sa pelikula, may teleserye at mga endorsement din siyang ilalabas.
“May mga bagong endorsements din, kaya grateful ako. I’m very happy!” sambit ni Ruffa.
Pero siyempre, sikreto rin ng kaseksihan ni Ruffa ang matinding diet, na sabi nga niya OMAD (one meal a day) ang ginagawa niya.
“Yeah, isang beses lang ako kumakain after lunch. Pero marami akong vitamins! Mga ten different vitamins!
“Ang doctor ko ang nagbigay ng lahat ng vitamins!
“But of course, maaga na rin akong natutulog. Like 8 hours a day ako nagi-sleep. No more sweets.
“’Yung ex ko kasi, tinuruan akong kumain ng mas maaga!” lahad pa ni Ruffa.
Sinong ex niya?
“Marami ba? Hahahaha!
“Pero kapag kumakain ka kasi ng maaga, maaga rin natutunaw. If you eat late, hindi ka natutunawan.
“Sa food, bawal lang ang mga fatty food. Pero more on vegetables ako. Pero, meron namang cheat day. Puwede ka namang kumain once a week ng gusto mo, para hindi ka deprive!” sey ni Ruffa.
Trending
- Ginebra, tinabla ang semis nang talunin ang Rain or Shine
- Thunder, pinadapa ang Spurs sa Game 3 ng western Conference Finals
- Cristine Reyes engaged na sa dating NYC chairperson
- Ruffa Gutierrez pahinga muna sa dyowa
- Beauty queen duguan ang mukha nang atakihin ng stylist sa Cannes Film Festival
- Eala at Tjen nagdala ng ‘pagmamalaki’ sa Timog-Silangang Asya sa Roland Garros
- PSC at Lungsod ng Maynila, nananatiling magkaisa sa muling pagpapaunlad ng Rizal Memorial
- BINI pinarangalan sa Kamara
