Not only is Rita Avila a children’s book author kung saan may aral na kapupulutan ang kanyang mga kuwento.
Kilala rin ang aktres as someone who speaks her mind, kesehoda kung sino ang tamaan.
Dahil ilang tulog na lang ay idaraos na ang mid-term elections, Rita took to her Facebook account her valid thoughts tungkol sa llang mga kandidato na nanliligaw ng boto sa pamamagitan ng pagbibigay ng ayuda o cash aid.
Post ni Rita: “Huwag po tayong magpasilaw sa ayuda dahil hindi naman nila ‘yon mapanindigan.”
Naging kalakaran na nga naman ang pamumudmod ng pera to lure votes to ensure na mananalo ang kandidato.
Rita further posted: “Hindi pa ba natin napapansin? Kung talagang gustong tumulong, hindi na kailangan pang pumila dahil ‘yung ayuda namang ibinibigay nila ay galing sa ibinabayad nating tax.
“Kaya marami ang yumayaman at marami rin ang naghihirap!”
In closing, pinaalalahanan ni Rita ang mga botante sa pamamagitan ng hashtag: “#VoteWisely2025.”
Nakatakda sa May 12, Lunes ang halalan para sa mga senador, kongresista, gobernador, bise gobernador, mayor at vice mayor.
Trending
- Bacolod Masskara Chess sa Oktubre
- Dableo squad naghari Inter-Barangay Chess
- ILLEGAL GAMBLING, DRUGS :LIMA NALAMBAT
- PADUA HARI SA MARIKINA RAPID CHESS
- Alex Eala angat sa mundo
- NAVOTAS, ABOITIZ, DENR PARA SA REHABILITASYON NG ILOG
- NHA BENEFICIARIES LAS PIÑAS INAYUDAHAN
- PARAÑAQUE:TRANSPARENCY SA BUDGET ISINULONG