Saglit umanong nagkausap sina Interior Secretary Jonvic Remulla at ang malapit na kaibigan nitong si dating Speaker Martin Romualdez sa pag-aresto sa mambabatas nitong Lunes ng gabi.

Sa isang press conference nitong Martes, inamin ni Remulla ang pagiging malapit niya kay Romualdez, na fraternity brother niya at ng kanyang kapatid na si Ombudsman Jesus Crispin Remulla.

“Si Ombudsman Boying, ako, at si Speaker Martin ay very close friends din, fraternity brothers kami. Magkakasabay kami sa UP. Lalo na si Boying at si Martin ay very close, talagang they have a very very strong relationship. Kami rin ni Martin ay very close,” ani Remulla.

“Pero in the interest of the state, gagawin na namin lahat. Wala po kaming iniilagan dito, wala hong kaibigan, walang fraternity brother, wala pong pinsan si Presidente. Ang batas ay batas, ang utos ng korte ay susundin namin,” dagdag niya.

Wala rin umanong anumang kahilingan si Romualdez kay Remulla kasunod ng pag-aresto sa kanya sa isang ospital sa San Juan.

“Wala siyang request… sabi ko, ‘brother, I hope you understand why I’m doing this. It’s nothing personal’. And he said, ‘it’s okay, I understand’. Ayun lang ang length ng conversation namin,” sabi ni Remulla.

Share.