PATULOY ang manhunt operation ng mga awtoridad sa isang preso na tumakas mula sa Provincial Rehabilitation Center (PRC) sa Mati Capitol, Digos City, Davao del Sur noong Agosto 29, 2026.
Kinilala ang nakatakas na preso na si Edwin Daniola Cabagan, binata at residente ng Purok 6, Barangay Upper Bala, Magsaysay, Davao del Sur.
Nahaharap umano siya sa kasong robbery.
Ayon sa ulat, 3:30 ng hapon nang mapansin ng mga jail guard na nakalabas na si Cabagan sa kanyang selda. Umakyat umano ito sa bakod sa likurang bahagi ng pasilidad at agad na tumakas.
Agad siyang hinabol ng mga jail guard, ngunit tsinelas lamang nito ang narekober sa labas ng bakod.
Sa pagpapatuloy ng pagtakas, iniulat ding sinubukan umano ni Cabagan na gamitin ang isang nakaparadang motorsiklo na pagmamay-ari ng isang security guard sa Sta. Lucia Subdivision.
Hindi umano ito nakalayo matapos matigil sa bahagi ng kalsadang hindi na madaanan.
Iniwan umano ng pugante ang motorsiklo at nagpatuloy sa pagtakbo patungo sa Kabagnutan, Barangay Mati, na malapit sa boundary ng Barangay Colorado sa Digos City.
Patuloy ngayon ang paghahanap ng mga jail guard sa pangunguna ng jail warden ng PRC, katuwang ang mga kapulisan sa Davao del Sur.
Nanawagan naman ang mga awtoridad sa publiko na huwag tangkaing lapitan o komprontahin si Cabagan sakaling makita.
Sa halip, agad na ireport sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o sa kinauukulang awtoridad ang anumang impormasyon tungkol sa kinaroroonan nito.
======
Trending
- Sotto ‘di kasama sa Asian Games sa Japan
- Jordan Clarkson proud pa rin kay Alex: “Queen Eala forever!”
- Dominican Republic wagi bilang Miss World 2026
- Lotlot de Leon ipinagpapasa-Diyos ang sigalot nila ni Ian
- Misis ni Baron Geisler may cryptic post
- SINUNTOK,MISIS DEDO KAY MISTER
- DAYA SA CASINO: 6 “GUILTY”
- TRUMP:$5,000 SA SENIORS
