Isang Pilipinong pari mula sa Leyte ang naordinahan bilang auxiliary bishop ng Perth, Australia.
Siya si Bishop Nelson Po, ang tutulong kay Archbishop Timothy John Costelloe kasama si Auxiliary Bishop Donald George Sproxton.
Sa kanyang talumpati matapos ang kanyang ordinasyon, inihayag ni Po ang kanyang pagpapakumbaba at pangakong maglingkod sa mga mananampalataya.
“I may not feel an overwhelming sense of worthiness but I humbly express my commitment to serve you all with compassion,” ani Po.
Siya ay tubong Palompon, Leyte at naglingkod bilang pari sa Perth mula noong 2005.
Si Po ikalawang obispong Pilipino sa Australia matapos si Rene Ramirez, na itinalaga bilang auxiliary bishop ng Melbourne ni Pope Francis noong Nobyembre 2024.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA
