Tinukoy ng Asian Development Bank (ADB) ang Pilipinas bilang isa sa mga bansa na may pinakamalawak at komprehensibong pagtugon sa ‘global economic shocks’ na bitbit ng krisis sa Gitnang Silangan.
Tinukoy ng Presidential Communications Office (PCO), ang April 2026 report ”The Impact of the Middle East Conflict on Asia and the Pacific.”
Winika ng PCO na ibinaba ng ADB ang regional growth expectation sa 4.7% at projected inflation na 5.2% dahil sa disruptions sa global energy supply.
“The study indicated that the Philippines implemented policy responses across seven of eight categories, reflecting a broad and coordinated approach in addressing the impact of the global crisis,” ayon sa PCO.
Kabilang sa mga kategorya ang ‘fuel subsidies, targeted assistance, staggered oil price increases, demand reduction, supply-side actions, at energy diversification measures.’
Idagdag pa rito, binigyang diin ng pag-aaral na ang Pilipinas ay isa sa dalawang bansa lamang, kasama ang India, in-adopt ang mga hakbang para i-diversify ang fuel sources.
Ang pagtugon ay isinagawa ng administrasyon sa ilalim ng isang ‘strategic whole-of-government framework’ na naka-angkla sa United Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT), itinatag sa ilalim ng Executive Order No. 110.
Kung matatandaan, nagpalabas si Pangulong Ferdinand ‘ Marcos Jr. ng isang executive order noong Marso na nagdedeklara ng state of national energy emergency upang sa gayon ay maisagawa ng gobyerno ang tinatawag na ‘mix of fiscal, social protection, at energy-related measures’ para pagaanin ang epekto ng oil price shocks.
Kabilang sa mga hakbang na ipinatupad ay ang fuel subsidies na mapakikinabangan ng halos isang milyong public utility vehicle drivers, ayuda para sa mga magsasaka at mangingisda at maging ang pinalawig na cash transfer programs, umabot na sa mahigit an apat na milyong low-income households na apektado ng tumataas na presyo.
“These measures were complemented by monetary actions from the Bangko Sentral ng Pilipinas to help manage inflation and stabilize the economy,” ayon sa ulat.
Trending
- Men’s football team ng Iran tiniyak ang pagsali sa FIFA World Cup
- Rematch ni Charly Suarez at Navarrete nakatakda sa Setyembre
- MUP winner, proud sa baba na hawig daw kay Ai Ai
- Rosmar, nabuwisit, rumesbak kay Inah de Belen
- Fans ni Kim, umaalma kay Maja
- LeBron James nagtala ng record
- Khamzat Chimaev haharapin na si Sean Strickland
- Iran kinondena ni Tulfo sa pag-atake sa barko na may Pinoy seaman
