Bumaba ang puwesto ng Pilipinas sa FIBA ranking sa kabila ng naging matagumpay na kampanya ng Gilas Pilipinas sa fourth window ng 2027 FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Mula sa rank no. 39, bumaba sa rank no. 40, ayon sa pinakabagong ranking tally ng FIBA ranking.
Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, ang pagbaba sa ranking ng Pilipinas ay bunsod ng naging resulta sa bakbakan ng Sweden at Finland sa European Qualifiers.
Mula sa dikit na laban na nagtapos sa score na 86-81, pinataob ng Sweden ang Finland na nasa No. 16 spot sa world ranking, dahilan upang makuha nila ang ranking no. 39.
Samantala, nananatili naman ang United States of America (USA) sa no.1 spot na sinusundan ng Germany sa no. 2, France sa no. 3, Serbia sa rank no. 4 at Canada sa rank no. 5.
Sa katatapos pa lamang na 2027 FIBA World Cup Asian Qualifiers, iminarka ng Pilipinas ang 2-0 run matapos dominahin ang Jordan na na-extend pa sa overtime at nagtapos sa dikdikang score na 81-80.
Nasundan ito ng laban kontra Iran kung saan muling nanaig ang Gilas sa score na 68-56.
Samantala, nakatakda namang bumalik sa hard court ang Gilas para sa darating na Asian Games kung saan nakatakda nilang sagupain ang Bahrain sa Setyembre 11. Susundan ito ng tapatan nila ng Kazakhstan sa Setyembre 12 at kontra China sa Setyembre 14.
====
Trending
- Sotto ‘di kasama sa Asian Games sa Japan
- Jordan Clarkson proud pa rin kay Alex: “Queen Eala forever!”
- Dominican Republic wagi bilang Miss World 2026
- Lotlot de Leon ipinagpapasa-Diyos ang sigalot nila ni Ian
- Misis ni Baron Geisler may cryptic post
- SINUNTOK,MISIS DEDO KAY MISTER
- DAYA SA CASINO: 6 “GUILTY”
- TRUMP:$5,000 SA SENIORS

