Patay ang isang driver ar tatlo ang sugatan nang mahulog sa Kambaja Bridge sa Barangay Birada, Kidapawan City ang isang pick-up truck Martes ng gabi, Agosto 18, 2026.
Kinilala ang nasawing driver na si Pablo “Oging” Tan, residente ng Barangay Ilomavis, Kidapawan City.
Sugatan naman at patuloy na ginagamot ang tatlo nitong kasama na kinilala sa mga alyas na “Anggalas,” “Maravillas,” at “Agos,” na pawang mga residente rin ng Barangay Ilomavis.
Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, galing sa Poblacion ng Kidapawan City ang mga biktima at pauwi na sana sa kanilang lugar nang mawalan umano ng preno ang pick-up truck.
Dahil dito, hindi na nakontrol ng driver ang sasakyan hanggang sa mag-overshoot ito sa tulay at tuluyang mahulog, na nagresulta sa pagkamatay ng driver at pagkasugat ng tatlong sakay.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang buong detalye ng insidente.
=====
Trending
- Sotto ‘di kasama sa Asian Games sa Japan
- Jordan Clarkson proud pa rin kay Alex: “Queen Eala forever!”
- Dominican Republic wagi bilang Miss World 2026
- Lotlot de Leon ipinagpapasa-Diyos ang sigalot nila ni Ian
- Misis ni Baron Geisler may cryptic post
- SINUNTOK,MISIS DEDO KAY MISTER
- DAYA SA CASINO: 6 “GUILTY”
- TRUMP:$5,000 SA SENIORS

