Itinalagang bagong chairperson ng Senate committee on accountability of public officers and investigations, o kilala bilang Blue Ribbon committee si Senador Pia Cayetano.
Ito ay matapos ang nominasyon ni acting Senate Majority Floor Leader Joel Villanueva kay Cayetano.
Wala namang tumutol sa nominasyon na ito.
Papalitan ni Cayetano si Senador Panfilo “Ping” Lacson, na matatandaang nanguna sa imbestigasyon ng Senado sa maanomalyang flood control projects.
Si Lacson na ngayon ang magsisilbing vice-chairperson ng Senate blue ribbon committee.
Ang iba pang mga itinalagang chairperson ay sina:
Foreign Relations – Senator Imee Marcos
Environment – Senator Camille Villar
GOCCs – Senator Camille Villar
Constitutional Amendments – Senator Robin Padilla
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

