Arestado ang isang lalaking nagpanggap na traffic enforcer sa Maynila at nangotong pa sa mga motorista.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nagpapanggap na traffic enforcer ang suspek para mangotong ng mga motorista sa Mel Lopez Boulevard sa Tondo.
“Kasi ‘pag pumara ka lang diyan, nagpakilala kang traffic enforcer, hinanapan mo ng violations, madali silang nagbibigay. Hindi nila alam na colorum (ang traffic enforcer),” sabi ni Police Captain Ryan Jay Balagtas, commander ng Smokey Mountain Police Community Precinct ng Manila Police District-1.
Sa surveillance video, makikita pa ang suspek habang kinakausap ang driver ng utility van na pinara niya.
Sa isa pang video, isang truck naman ang hinuli ng suspek.
Sabi ng pulisya, ilang Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) enforcer ang lumapit sa suspek para beripikahin ang kanyang ID.
Pero nang walang maipakita ang suspek, agad siyang tumakas at pumasok sa bahay ng mga residente sa lugar para magtago.
Muntik nang kuyugin ng mga residente ang suspek.
Nakuha sa suspek ang isang uniporme ng MTPB.
Napag-alaman ng pulisya na dati pala talagang MTPB enforcer ang suspek na sinibak noong 2014 at nakulong dahil na rin sa pangongotong.
Na-inquest na ang suspek na sinampahan ng reklamong usurpation of authority at illegal use of insignias.
Nasa kustodiya siya ngayon ng Raxabago Police Station pero tumanggi na siyang magbigay ng pahayag.
Trending
- Sotto ‘di kasama sa Asian Games sa Japan
- Jordan Clarkson proud pa rin kay Alex: “Queen Eala forever!”
- Dominican Republic wagi bilang Miss World 2026
- Lotlot de Leon ipinagpapasa-Diyos ang sigalot nila ni Ian
- Misis ni Baron Geisler may cryptic post
- SINUNTOK,MISIS DEDO KAY MISTER
- DAYA SA CASINO: 6 “GUILTY”
- TRUMP:$5,000 SA SENIORS

