Tinutugis ang mga suspek sa dalawang magkahiwalay na insidente ng pagnanakaw ng alahas sa Pasay City at Davao City na umabot sa kabuuang halagang hanggang P1 milyon.
Sa Pasay City, nadiskubre ng mga empleyado ang isang malaking butas sa loob ng isang pawnshop at kalaunan natuklasang nawawala ang aabot sa P1 milyong halaga ng mga alahas at P90,000 cash.
Posibleng nangyari ang pagnanakaw noong nakaraang gabi habang sarado ang establisimyento noong Linggo.
Ayon sa pulisya, posibleng mga miyembro ng “Termite Gang” ang nasa likod ng insidente sa Pasay. Patuloy pa ang imbestigasyon sa kaso.
Samantala, sa Davao City, nilooban ng apat na armadong suspek ang isang jewelry shop sa loob ng isang mall noong tanghali ng Sabado matapos magdeklara ng holdap.
Sinabi ng mga awtoridad na tinutugis na nila ang mga suspek matapos makuha ang mga fingerprint at mga motorsiklong pinaniniwalaang ginamit sa kanilang pagtakas. Nirerepaso na rin ng pulisya ang CCTV footage.
Wala pa namang inilalabas na pahayag ang may-ari ng jewelry shop hinggil sa insidente.
Trending
- Tapatang Pacquiao brothers, ekis mangyari!
- Magic pasok na sa playoffs
- Italy-based Filipina gymnast sasabak sa World Challenge Cup
- Italy-based Filipina gymnast sasabak sa World Challenge Cup
- Justin Bieber, balik performer
- Charlie Puth magko-concert sa ‘Pinas
- Britney Spears nagpa-rehab dahil sa alak, droga
- Malnutrition sa mga bata pipigilan ng NEDAC

