Sumiklab ang isang panibagong sunog sa kabundukan ng bayan ng Kalayaan, Laguna nitong Sabado ng umaga, Abril 25, na umabot na sa mga kalapit na kabahayan.
Ayon sa mga residente, nagsimula ang apoy bago magtanghali at mabilis na kumalat pababa mula sa kabundukan patungo sa residential area.
Ilang bahay na rin umano ang naapektuhan ng sunog, bagama’t hindi pa tiyak ang kabuuang bilang ng mga nasira.
Agad namang rumesponde ang mga bumbero, kabilang ang Bureau of Fire Protection mula sa Paete Fire Station upang apulahin ang sunog.
Patuloy pa rin ang firefighting operations sa lugar habang inaalam ang sanhi ng sunog at ang lawak ng pinsala.
Pinapayuhan naman ang mga residente na manatiling alerto at sumunod sa abiso ng mga awtoridad para sa kanilang kaligtasan.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

