Patay ang isang nagtitinda ng Malunggay Pandesal nang barilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Sitio Tupak, Barangay Bulit, Datu Montawal, Maguindanao Del Sur, Lunes ng umaga Agosto 17
Kinilala ang biktima sa alyas na “Darwin”, may-asawa at residente ng Kabacan, Cotabato.
Sa paunang imbestigasyon ng Datu Montawal Police Station, Nagtitinda ng Hot Malunggay Pandesal ang biktima nang lumapit ang suspek at nagkunwaring bibili.
Habang inaasikaso ng biktima ang umano’y customer, biglang umanong bumunot ng baril ang suspek at pinagbabaril ang biktima.
Agad itinakbo ng mga rumespondeng pulis ang biktima sa ospital subali’t idineklarang patay.
Dalawang fired cartridge cases na hindi pa mayuko ang kalibre ng baril ang narekober sa crime scene.
Nagsagawa na ng hot pursuit operation ang Datu Montawal MPS at patuloy namang iniimbestigahan ng pulisya ang motibo sa pamamaril.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA
