Nanawagan ang Malacañang nitong Lunes sa mga opisyal na huwag pulitikahin ang pamamahagi ng tulong sa mga local government units (LGUs), at iginiit na lahat ng barangay ay may karapatang tumanggap ng ayuda kapag kumpleto ang requirements.
“Ang pagbibigay tulong sa ating mga kababayan ay hindi dapat na pinupolitika; walang bida rito kung hindi ang taumbayan,” pahayag ni Palace Press Officer Claire Castro.
Ginawa ang pahayag matapos ilahad ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste ang concern na ilang barangay sa kanyang distrito ay hindi naisama sa rollout ng “Bawat Bayan Makikinabang” program.
Ayon kay Castro, maaaring hindi nakatanggap ng ayuda ang ilang barangay dahil sa kakulangan sa dokumentong kinakailangan para sa compliance sa Commission on Audit (COA).
“Hindi po maaaring mabigyan agad-agad ng ayuda kapag walang dokumento dahil magiging subject ito sa COA (Commission on Audit) report,” aniya.
Tiniyak niya na matatanggap pa rin ng mga hindi naisamang barangay ang tulong kapag nakumpleto ang requirements, at iginiit na walang kinikilingang kulay ang programa.
“Walang pinipiling kulay dito,” dagdag ni Castro.
Pinuna rin ng Palasyo ang mga ulat na may mga lokal na opisyal umanong pinigilan o hindi isinama sa mga aktibidad ng pamamahagi, at nanawagan ng maayos na koordinasyon upang maabot ang mga benepisyaryo.
Nauna nang pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamamahagi ng ₱200,000 na ayuda sa 1,078 barangay sa Batangas mula sa Socio-Civic Projects Fund, kung saan kalahati ay para sa education-related support at ang natitira para sa priority community projects.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

