Tagumpay para sa mga residente at environmental group ang tuluyang pagbasura ng Sangguniang Panlalawigan ng Laguna ang planong pagtatayo ng landfill sa bayan ng Calauan.
Sa isang special session noong Miyerkules, Abril 8, nagkaisa ang mga miyembro ng provincial board na i-disapprove ang Municipal Ordinance No. 03-12-2026 ng bayan ng Calauan na nagbibigay ng development permit para sa 84-hectare landfill project sa Brgy. Imok.
Ayon sa mga opisyal, hindi lang ito simpleng usapin ng permit kundi ng pagsunod sa batas at pagprotekta sa kalikasan at kalusugan ng mamamayan.
Nauna nang nagpahayag ng pagtutol si Gov. Sol Aragones, na binigyang-diin na hindi dapat isakripisyo ang kapaligiran at kabuhayan ng komunidad kapalit ng development.
Giit pa ng gobernador, kailangang timbangin ang pangmatagalang epekto ng proyekto lalo na sa agrikultura, kaligtasan ng komunidad, at ecotourism ng lalawigan.
Ang desisyon ay kasunod ng sunod-sunod na panawagan at protesta mula sa iba’t ibang sektor kabilang ang mga residente at environmental groups na nagpahayag ng pangamba sa posibleng epekto ng landfill sa kalusugan at kalikasan.
Dumaan din sa masusing pag-aaral ng komite ng provincial board ang proyekto bago tuluyang irekomenda ang pagbawi ng permit.
Sa ngayon, patuloy namang binabantayan ng publiko ang susunod na hakbang ng pamahalaang panlalawigan upang matiyak ang balanse sa pagitan ng kaunlaran at pangangalaga sa kalikasan.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

