Pinalalakas ng pamahalaan ang mga programa laban sa stunting o pagkabansot ng mga batang Pilipino matapos tumaas ang kaso nito noong 2025.
Ito ang sinabi ng Malacañang kasunod ng ulat ng DOST-Food and Nutrition Research Institute na umakyat sa 25.3 porsiyento ang stunting mula sa 23.6 porsiyento noong 2023.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, prayoridad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglaban sa stunting kaya ipinag-utos na ang pagtatayo ng mga child development at daycare center sa buong bansa.
Dagdag pa ng Palasyo, inilaan din ang P25.6 bilyon para sa 2026-2027 School-Based Feeding Program ng Department of Education (DepEd).
Pinalawig din ang feeding program mula 120 araw hanggang 200 araw upang mabigyan ng masustansyang pagkain ang 4.63 milyong mag-aaral.
Kasabay nito, ipinagpapatuloy rin ng pamahalaan ang Walang Gutom Program at Supplemental Feeding Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na target makinabangan ng 1.8 milyong batang nasa mga child development center at supervised neighborhood play.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA
