Nagpaalala ang Land Transportation Office–National Capital Region (LTO-NCR) nitong Martes sa publiko na huwag tumangkilik sa mga colorum na sasakyan.
Inilabas ang advisory kasunod ng safety inspection na isinagawa noong Lunes sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ng LTO-NCR sa pakikipag-ugnayan sa Department of Transportation (DOTr).
Nagbabala si LTO-NCR Regional Director Roque I. Verzosa III na ang mga sasakyang ito ay nagdudulot ng malubhang panganib sa kaligtasan sa mga commuter at lumalabag sa mga regulasyon sa transportasyon.
“Operating colorum vehicles is a direct threat to public safety. They do not undergo proper inspections and are not covered by insurance, making them dangerous options for travelers,” ayon kay Verzosa.
Hinikayat naman ng ahensya ang publiko na iulat ang anumang pinaghihinalaang aktibidad ng colorum.