Nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang isang kilo ng shabu, nagkakahalaga ng P6.8 million, mula sa tatlong dealers, dalawa sa kanila mga babae, na nalambat sa isang residential area sa Cotabato City nitong Huwebes, August 6.
Sa pahayag nitong Biyernes ng mga city at barangay officials, tutulungan nila ang PDEA-BARMM sa paglilitis sa korte kina Jayson Kamsali Karon at sa kanyang mga babaeng kasabwat na sina Meriam Bagundang Rauf at Sambra Mama Gulo, gamit bilang ebidensya ang P6.8 milyong halaga ng shabu na nakumpiska sa kanila.
Ayon kay Edgar Jubay, director ng PDEA-BARMM, agad na inaresto ang tatlong suspek ng mga kanilang mga agents at mga operatiba mula sa iba’t ibang units ng Cotabato City Police Office, pinamumunuan ng kanilang director, si Col. Jibin Bongcayao, na nakabili sa kanila ng shabu sa isang lugar sa Barangay Rosary Heights 3.
Ayon kay Jubay, naisagawa ang operasyon sa tulong ng mga opisyal ng Barangay Rosary Heights 3 at ng tanggapan ni Mayor Bruce Matabalao, na siyang chairperson ng multi-sectoral Cotabato City Peace and Order Council.
Mismong mga kamag-anak nina Karon, Rauf at Gulo ang unang nag-report kina Jubay at Matabalao tungkol sa kanilang pagbebenta ng shabu at marijuana sa Cotabato City kaya agad na naisagawa ang entrapment operation na humantong sa kanilang pagkakaaresto.
Nakakulong na ang tatlong suspek sa detention facility ng PDEA-BARMM sa PC Hill sa Cotabato City, kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nakumpiska din ng mga PDEA-BARMM agents sa naturang entrapment operation ang kulay itim na minivan ng mga suspek, may plakang MBK 2638, na ayon sa kanilang mga kamag-anak ay ginagamit nila sa paghahatid ng shabu at marijuana sa kanilang mga contacts sa Cotabato City at sa mga karatig na bayan ng Sultan Kudarat at Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte.
Trending
- Sotto ‘di kasama sa Asian Games sa Japan
- Jordan Clarkson proud pa rin kay Alex: “Queen Eala forever!”
- Dominican Republic wagi bilang Miss World 2026
- Lotlot de Leon ipinagpapasa-Diyos ang sigalot nila ni Ian
- Misis ni Baron Geisler may cryptic post
- SINUNTOK,MISIS DEDO KAY MISTER
- DAYA SA CASINO: 6 “GUILTY”
- TRUMP:$5,000 SA SENIORS

