Aabot sa P4.2 milyong halaga ng shabu ang nasamsam at naaresto ang dalawang hinihinalang high-value individuals sa ikinasang buy-bust operation ng PNP Drug Enforcement Group Special Operations Unit 7 (PDEG SOU7) sa Talibon, Bohol.
Kinilala ang mga naaresto na sina alyas na “Atan,” at “Dennis.”
Tinatayang 622.4 gramo ng shabu ang nakumpiska ng mga operatiba at iba pang law enforcement units noong Agosto 14 sa Purok 6, Busalian, Talibon.
Ayon sa PDEG, may standard drug price na P4,232,320 ang nakumpiskang droga.
Nasa kustodiya na ng Talibon Municipal Police Station ang dalawang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Isinailalim naman sa laboratory examination ang nakumpiskang hinihinalang shabu.
====
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

