Tinatayang P4.2 milyong shabu ang nasamsam mula sa isang 41-anyos na driver sa Barangay Villamonte, Bacolod City.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency-Negros Island Region (PDEA-NIR), nasabat ang ilegal na droga mula sa suspek na kinilalang si Jimmy noong Agosto 15.
Nakumpiska sa suspek ang anim na plastic bag at apat na sachet ng suspected shabu, na tinatayang 620 gramo, marked money at P15,000 cash.
Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang background ng suspek para matukoy ang pinagmulan ng kontrabando at ang mga posibleng koneksyon nito sa ilegal na droga.
Mahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

