Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang halos P250 milyong halaga ng shabu na itinago sa mga bombilya.
Ayon sa BOC, dumating ang mga kargamento noong Abril 14 mula sa Mexico na umano’y idineklara bilang LED lights.
Itinuturing naman umanong high-risk source ang pinanggalingan ng kargamento na nakatakdang ipadala sana sa Valenzuela City.
Aabot naman sa 36,740 gramo ng shabu ang natagpuan sa 180 bombilya, na nagkakahalaga ng P249.83 milyon.
Patuloy naman ang imbestigasyon upang matukoy ang mga sangkot, at posibleng magsampa ng kaso laban sa mga responsable sa naturang drug smuggling, ayon pa sa BOC.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA
