Tinatayang P178 milyong halaga ng kontaminadong frozen meat at isda ang narekober ng Bureau of Customs (BOC) mula sa 22 abandonadong container sa Manila International Container Port.
Pinangunahan ni Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno ang inspeksyon habang kinumpirma ng Customs Intelligence and Investigation Service ang sirang cold chain na nagdulot ng pagkatunaw ng mga produkto.
Naglabas ng Notices of Violation ang Bureau of Animal Industry at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources laban sa importer dahil sa paglabag sa Food Safety Act.
Isasailalim sa disposal ang mga shipment na may kabuuang mahigit 576,000 kilo at idineklarang abandonado alinsunod sa Customs Modernization and Tariff Act.
Mula 2025, nakapagsampa na ang BOC ng 72 kaso sa Department of Justice kaugnay ng smuggling ng agricultural products.
Trending
- Thunder di na kayang tumingin ng malayo
- Oscar Schmidt pumanaw na
- Vice Ganda, nag-ayuda ng P5K sa mga tsuper
- Mark Herras, e-exit na sa showbiz?
- Elisse Joson, ‘di pa bet magjowa
- DTI inilunsad P2B transport loan para sa mga operator, driver
- PBBM nagpalabas ng EO na nagsususpinde sa excise tax sa LPG, kerosene
- Toll-free passage ng mga trak ng gulay galing Benguet, aprub kay PBBM
