Tinatayang P15.16 milyon halaga ng smuggled cigarettes ang nasabat sa magkahiwalay na checkpoint operations sa Cotabato City at Matanog, Maguindanao del Norte noong Agosto 18, habang limang indibidwal ang naaresto.
Sa Matanog, naharang ng mga awtoridad ang isang wing van sa Sitio Marayag, Barangay Bayanga Norte 5:00 ng umaga. Sa inspeksiyon, nadiskubre sa sasakyan ang 290 master cases o tinatayang 14,497 reams ng mga sigarilyong Greenhill at Bosqu.
Tinatayang P12.409 milyon ang halaga ng shipment. Ayon sa paunang ulat, hindi umano nakapagpakita ang driver ng kinakailangang dokumento para sa pagdadala at pagmamay-ari ng mga sigarilyo. Dalawang lalaki ang inaresto at dinala sa kustodiya ng Matanog Municipal Police Station habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Sa hiwalay na operasyon sa Diversion Road, Barangay Poblacion 8 sa Cotabato City, tatlo naman ang naaresto matapos maharang ang isa pang wing van na may kargang 110 kahon ng hinihinalang puslit na sigarilyo na nagkakahalaga ng P2.75 milyon.
Ayon sa Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), hindi rin umano nakapagpakita ng kaukulang dokumento ang mga sakay ng sasakyan para sa naturang shipment.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pinagmulan at destinasyon ng mga nakumpiskang sigarilyo at kung may iba pang indibidwal na sangkot sa kanilang transportasyon at distribusyon.
===
Trending
- Sotto ‘di kasama sa Asian Games sa Japan
- Jordan Clarkson proud pa rin kay Alex: “Queen Eala forever!”
- Dominican Republic wagi bilang Miss World 2026
- Lotlot de Leon ipinagpapasa-Diyos ang sigalot nila ni Ian
- Misis ni Baron Geisler may cryptic post
- SINUNTOK,MISIS DEDO KAY MISTER
- DAYA SA CASINO: 6 “GUILTY”
- TRUMP:$5,000 SA SENIORS
