Nag-alok ng P100,000 pabuya ang lokal na pamahalaan ng Sual, Pangasinan para sa anumang impormasyon na magtuturo sa ikaaaresto ng dalawang preso na tumakas mula sa Sual Police Station.
Sinabi ni Pangasinan Police Provincial Office director Col. Arbel Mercullo na tatlong persons under police custody ang nakatakas mula sa himpilan noong Abril 12.
Isa sa mga ito, 36-anyos na lalaki mula sa Malasiqui, Pangasinan, ang muling naaresto nitong Lunes ng umaga sa isang gasoline station sa Sual.
Batay sa datos ng pulisya, ang dalawang natitirang pugante isang 40-anyos na lalaki mula sa Domalandan East, Lingayen na nahaharap sa kasong carjacking at paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act’ at isang 26-anyos na lalaki mula sa Labrador na may mga kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Ayon kay Mercullo, nakita sa closed circuit television footage na sinamantala ng mga preso ang hindi nababantayang custodial area upang makatakas.
Idinagdag niya na inilagay na sa social media ng pulisya ang detalye at mga larawan ng dalawang pugante upang makatulong ang publiko sa kanilang pagtunton.
Trending
- Tapatang Pacquiao brothers, ekis mangyari!
- Magic pasok na sa playoffs
- Italy-based Filipina gymnast sasabak sa World Challenge Cup
- Italy-based Filipina gymnast sasabak sa World Challenge Cup
- Justin Bieber, balik performer
- Charlie Puth magko-concert sa ‘Pinas
- Britney Spears nagpa-rehab dahil sa alak, droga
- Malnutrition sa mga bata pipigilan ng NEDAC

