Inaresto ng mga awtoridad ang 34-anyos na Chinese national na umano’y may kaugnayan sa iligal na Philippine offshore gaming operations (POGO) sa Bacolod City, ayon sa Bureau of Immigration (BI) nitong Huwebes, Agosto 27.
Kinilala ng BI ang suspek na si Xie Yingwen, na inaresto sa Yulo Street sa Barangay 16 sa labas ng residential area sa operasyon na ikinasa ng mga ahente ng BI kasama ang Negros Occidental Police Provincial Office at Bacolod City Police Station 1.
Ang operasyon ay batay sa mission order na inisyu ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado noong Agosto 6.
Anang BI, si Xie ay idineklarang overstaying at
undesirable alien matapos bigong makapagpresenta ng valid identification at mga dokumento na nagpapakita ng visa extension niya.
Sa operasyon, inamin ni Xie na siya ay nagtrabaho sa Manila bilang food at fruit vendor.
Bahagi ng nagpapatuloy na crackdown sa illegal foreign nationals ang operasyon ng BI.
Inilipat si Xie sa holding facility ng BI sa Bicutan, Taguig City, kung saan siya ay mananatili bago ang deportation proceedings.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

