Kulong ang isang babaeng online seller nang maaktuhan sa ikinasang buy-bust operation sa Lucena City, Quezon.
Kinilala ang suspek na si Collen Fagutao, 32-anyos, residente ng Purok 3, Barangay Barra na naitala bilang high-value individual sa PNP watchlist.
Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Lucena City Police Station, katuwang ang Quezon Maritime Police Station at PDEA ang operasyon 6:50 ng gabi nitong Lunes.
Naaresto ang suspek matapos umanong magbenta ng hinihinalang tobats sa poseur buyer.
Nakumpiska mula dito ang anim na sachet at isang plastic bag na naglalaman ng shabu na may kabuuang bigat na 120.3 gramo at tinatayang may street value na nasa mahigit P2.1 milyon pesos.
Narekober din ang buy-bust money at isang sling bag na ginamit umano sa transaksyon.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag RA 9165.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek habang inihahanda ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban dito.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

