Matapos ang dalawang taon na hindi nagagalaw, maipupursige na rin ang North South Commuter Railway project ng Department of Transportation (DOTr) sa tulong ng Manila LGU kung saan maaaring dumiretso ang biyahe ng tren hanggang Bikol.
Nitong Martes ng umaga, Agosto 12, personal na nagtungo sina Transportation Sec. Vince Dizon at Manila City Mayor Isko Moreno-Domagoso sa bahagi ng Old Antipolo Street kanto ng Abad Santos Avenue upang simulan nang gibain ang ilang mga istraktura.
Dito rin inilatag ang mga plano sa gagawing proyekto na ayon kay Dizon ay nasa mahigit isang kilometro lamang.
Aniya, nai-award ang kontrata noong 2023 at ngayon lang ito nasimulang gumalaw sa ilalim ng liderato ni Domagoso kaya laking pasasalamat ni Dizon at national government lalo na sa alkalde dahil masisimulan na ang proyekto.
Nagpapasalamat naman si Mayor Isko sa DOTr dahil bukod sa hindi maapektuhan ang ilang mga bahay, matutulungan pa ang Manila LGU na mapalawak pa ang floodway sa naturang kalsada upang maiwasan ang pagbaha mula Blumentritt sa Sta. Cruz hanggang Tondo. Simula namaan ngayong araw ay ipapatupad na ng Manila LGU na one way ang daanan sa Old Antipolo Street para bigyan daan ang mga kagamitan partikular ang mga truck ng DOTr sa pagpapatayo ng North South Commuter Railway .
NSCR Railway sa Maynila binuhay ;tuloy na Biyaheng Bikol
https://youtu.be/icgYQI1EIbg?si=X1kZCGFth8LyJV–
www.youtube.com/watch?v=wL2iMnkokgI
www.youtube.com/watch?v=BjcnUOCp8yc
www.youtube.com/watch?v=cY4mdTO2OLM
www.linkedin.com/in/danilo-ambrocio-20a740348/
www.tiktok.com/@saktobalitanewspaper/video/7537977714595204360
www.saktoradiotv.com/nscr-railway-sa-maynila-binuhay-tuloy-na-bihayeng-bikol/
www.bandilanews.com/nscr-railway-sa-maynila-binuhay-tuloy-na-biyaheng-bikol/